Away sa religious group, tinitingnang sanhi ng pagsunog sa 84-anyos na lola
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Away sa religious group, tinitingnang sanhi ng pagsunog sa 84-anyos na lola
ABS-CBN News
Published Sep 01, 2022 08:50 AM PHT

MANILA – Posibleng away sa kanilang kinabibilangang religious group ang naging sanhi ng panunununog ng isang pamilya sa kanilang 84-anyos na lola sa Balingasag, Misamis Oriental.

Ayon kay PCol. Gonzalo Villamor Jr., officer-in-charge ng Misamis Oriental Provincial Police Office, nagalit sa biktimang si Teofila Camungay ang apo nitong si Crisanto Ercilla.

Kuwento ni Villamor, ninais ni Ercilla na magtayo ng sarili nitong paksyon ng kanilang kinabibilangang grupo.

“Ngayon, si Lola Teofila, loyal dito…sa orihinal, yes, so nagalit itong si Crisanto Ercilla kasi bakit ganun, gusto niya magsarili, siya ata yung lider,” ayon sa pulis.

Sabi ni Villamor, tila nawala na raw sa tamang pag-iisip si Ercilla nang gawin ang krimen.

“Meron daw spirit na nagsabi sa kanya, ang bibigyan ng verdict itong si lola through pagpatay sa apoy, sunog, so parang na-hypnotize na tong si Crisanto na siyang tumatayong lider during that ritual.”

“So tinatawag nila itong pamandong, at nagsasalita sila ng mga Latin words at binuhat nila si lola, tinapon nila sa apoy.”

Ayon kay Villamor, sisilipin nila kung may kinalaman ang organisasyong kinabibilangan ng pamilya sa pangyayari.

Pero sa ngayon, tanging mga miyembro lang ng pamilya ang kinasuhan nila ng parricide.

--TeleRadyo, 1 Setyembre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT