4,000 empleyado ng PGH 'di pa nakatatanggap ng One COVID Allowance | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4,000 empleyado ng PGH 'di pa nakatatanggap ng One COVID Allowance

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2022 01:17 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Hindi pa nakakatanggap ng kanilang One COVID Allowance (OCA) ang nasa 4,000 health workers sa Philippine General Hospital (PGH), ayon sa isang grupo ng mga empleyado doon.

Kuwento ni Karen Faurillo, pangulo ng All UP Workers Union-Manila/PGH, hindi pa sila nakatatanggap ng OCA mula pa noong Abril.

“Nararamdaman na ng PGH health workers, naiinip na at naasar na rin dahil hanggang ngayon po yung aming One COVID Allowance hindi pa po naibibigay mula po nung buwan ng April, May at June,” sinabi ni Faurillo sa panayam ng TeleRadyo, Huwebes.

“At hinihintay na rin po natin na dapat na-implement na rin yung tinatawag na Health Emergency Allowance na supposedly nag-start na nung July. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin po natatanggap nung majority, lampas 4,000 PGH health workers,” aniya.

Sabi ni Faurillo, naipasa na ng ospital sa pamahalaan ang lahat ng requirements na hinihingi ng Department of Health.

“Pero wala daw pong budget kaya hindi namin ‘to matanggap na wala pa rin daw pong nire-release na budget, sa kabila ng, naitrabaho na ito ng health workers kung tutuusin,” sabi niya.

Nanawagan siya sa pamahalaan ng kagyat na pagbibigay ng kanilang benepisyo.

“Sana talaga mabigyan ng kaukulang atensyon at pondo at yung bilis ba kasi dito sa ospital mabilis kaming kumilos eh. Dahil yun ang hinihingi ng trabaho at ng situation, at gusto lang namin makita ganoon din yung tugon ng ating pamahalaan,” aniya.

Sinabi naman ng DOH kamakailan na nakikipag-ugnayan ito sa budget department upang mailabas na ang pinakabagong tranche ng benepisyo para sa health workers.

Naibaba na sa mga ospital at health centers ang mga benepisyo para sa Enero hanggang Marso, dagdag ng DOH.

— TeleRadyo, 25 Agosto 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT