Truck sumabit sa mga lumaylay na kable; poste bumagsak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Truck sumabit sa mga lumaylay na kable; poste bumagsak

Truck sumabit sa mga lumaylay na kable; poste bumagsak

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 21, 2023 10:44 PM PHT

Clipboard

Truck sumabit sa mga lumaylay na kable; poste bumagsak
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

(2nd UPDATE) Bumagsak ang poste ng isang telecom company matapos mahagip ng isang truck ang mga lumaylay na kawad sa may Magsaysay Bridge sa Sampaloc, Maynila nitong Linggo.

Kwento ng barangay tanod na si Arsenio Gallenera ng Barangay 410, nasagi ng malaking truck na may kargang sementong panghalo ang mga nakalaylay na kable sa poste ng telecom company.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/news/08/21/kable.jpg

“Sa sobrang mababa na ‘yung linya ng mga kawad na telephone company, ang nangyari, ‘yan nasabitan na ng truck. Wala naman na-damage kundi ‘yung poste lang ng telco,” ani Gallenera.

Itinali muna nila ang mga kawad at gumamit ng mga kahoy para maiangat ito. Gabi na nang simulang i-clear ang kalsada ng telecom company.

ADVERTISEMENT

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/news/08/21/kable-image-2.jpg

Ayon sa mga residente ng lugar, matagal na nilang inirereklamo ang sala-salabat na mga kable na hindi naman kaagad naaaksyunan.

“Marami po laging dumadaan na truck diyan, nasasagi po. Nawawalan po kami ng internet tulad nung nakaraan nasagi ng truck. Napakadelikado po nun. Paano po kung may biglang dumaan po,” sabi ni Chris Angelo Gregorio.

Nakipag-ugnayan ang barangay sa Meralco at telecom companies para maisaayos ang mga nasabing kawad at umaasa sila ng agarang solusyon lalo na’t magbabalik-eskwela na ang mga estudyante.

“Delikado kasi number 1 po pasukan na po ng ibang may klase and then ‘yung mga batang naglalaro po dun. Nananawagan po ako sa Meralco sana po matugunan na po ‘yung nangyari sa wirings po namin along Legarda St. Sampaloc, Manila,” ayon kay Kagawad Bonn Guillomas ng Brgy. 410.

Sa pahayag ng Meralco, sinabi na lagi silang nagpapaalala na mag-ingat lalo na sa mga bumabaybay na truck at malalaking sasakyan sa mga lugar na may mapapansing mga kable.

“Itong aksidente ay naiwasan sana kung nag-ingat lamang ang driver. Kami ay agaran naman kumilos upang maayos ang mga pasilidad namin na naapektuhan at nakipag-ugnayan na din sa mga telco companies na na-damage din ang facilities,” ayon kay Joe Zaldarriaga, Vice President, Corporate Communications ng Meralco.

Sinusubukang kunin ang panig ng telecom companies sa nangyaring insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.