Mga truck usad-pagong sa Roxas Blvd | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga truck usad-pagong sa Roxas Blvd
Mga truck usad-pagong sa Roxas Blvd
ABS-CBN News
Published Aug 09, 2019 09:06 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagmistulang paradahan ng mga truck sa northbound lane ng Roxas Boulevard ng Maynila, kasabay ng mga pag-ulan ngayong Biyernes ng umaga.

Naipon ang mga truck sa kalsada dahil hindi makapasok sa pier ng Maynila matapos suspendihin ang operasyon doon dahil sa masamang panahon, sabi ni Jenette Sario Communication ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase.

Delikado aniya para sa mga truck na gumamit ng magnetic lifter para magkarga o mababa ng mga container van dahil malakas ang hangin.

Pero sa kabila ng pagsasara ng pier, wala naman aniyang natanggap na abiso ang mga truck operators na kanselado na ang kanilang mga appointment para magkarga o magbaba ng containers, ani Aduana Business Club president Mary Zapata.

Pinagmumulta aniya ang mga operator kapag hindi sumipot o na-late sa mga naturang appointment.

Umabot na sa kanto ng Buendia Avenue ang pila ng mga truck pasado alas-6:30 ng umaga. Nakakadaan naman sa service road ang iba pang maliliit na sasakyan.
"Ito yung tinatawag naming 'EDSA sa pier'. Dito, ang pagkakaiba, puro truck ang makikita mo.. Para s'yang magdamag na standstill ang trapik, usad-pagong ang lakad nito," puna ni Teddy Gervacio, presidente ng Inland Haulers and Truckers Association.

May ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT