Subdivision sa Dasmariñas, Cavite, isinailalim sa lockdown sa pagsipa ng kaso ng COVID | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Subdivision sa Dasmariñas, Cavite, isinailalim sa lockdown sa pagsipa ng kaso ng COVID

Subdivision sa Dasmariñas, Cavite, isinailalim sa lockdown sa pagsipa ng kaso ng COVID

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2021 04:54 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Isinailalim sa localized total lockdown ang Mabuhay City Subdivision at gayundin ang Phase 2 Extension nito kung saan may higit 7,300 na household dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Linggo ng hatinggabi nagsimula ang lockdown na dapat ay hanggang Agosto 7 lamang tatagal.

Pero inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on COViD-19 na palawigin pa sa dalawang linggo ang restriction para maging mas epektibo ang pag kontrol sa virus.

Ayon kay Mayor Jenny Barzaga, nagsimula sa 31 ang mga kaso ng COVID-19 sa subdivision noong Hulyo 24 at dumoble sa 61 noong Hulyo 29 at tumaas pa sa 93 pagpasok ng Agosto.

ADVERTISEMENT

Ngayong Martes, mayroong 83 ang aktibong kaso na nananatili sa isolation facility.

Ipinag-utos na ni Barzaga na isailalim sa genome sequencing ang ilang sample ng mga nagpositibo para malaman kung may Delta variant sa lungsod.

Binuksan naman ng paaralang elementarya ng Pintong Gubat para pansamantalang tuluyan ng mga manggagawang apektado ng lockdown.

Sampung oras naman ang curfew o alas-6 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga para sa mga establisyementong pinapayagang mag operate.

Bawal din ang mga delivery rider o pampublikong transportasyon na pumasok sa loob.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang pag-aabot ng ayuda sa mga apektadong residente sa panahon ng lockdown.

Samantala, nagtayo na ng tent extension sa pagamutan ng Dasmariñas dahil sa dumaraming pasyente.

- TeleRadyo 3 Agosto 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.