Indian patay sa pamamaril sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Indian patay sa pamamaril sa Quezon City

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2022 07:33 AM PHT
|
Updated Aug 02, 2022 07:59 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Isang Indian na lalaki ang patay matapos siyang pagbabarilin sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ayon sa pulisya, dalawang anggulo ang tinitignan nila sa pananambang sa biktima sa Old Sauyo Road sa Brgy. Talipapa. Personal na away at pagnanakaw ang mga motibong tinututukan ngayon ng awtoridad.

Sa imbestigasyon ng QCPD, walang nawawalang gamit ang biktima pero hindi pa rin isinasantabi ang posibilidad na robbery ang isa sa motibo.

Kinukumpirma ng mga pulis kung may dalang motor ang 28-anyos na biktima at ang posibildad na inagaw ito ng di pa nakikilalang salarin, dahil may nakita na helmet sa crime scene.

Isang palaisipan din kung bakit napadayo sa lugar ang biktima.

Nagtamo ng dalawang tama ng kalibre .45 na baril sa ulo ang dayuhan.

Ikinagulat umano ng ilang residente sa lugar ang alingawngaw ng mga putok ng baril at natakot sila na madamay sa pamamaril.

Patuloy ang follow-up investigation ng QCPD sa insidente.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News