SAPUL SA VIDEO: Pamamaril, pagtakas ng suspect sa Ateneo shooting | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA VIDEO: Pamamaril, pagtakas ng suspect sa Ateneo shooting

SAPUL SA VIDEO: Pamamaril, pagtakas ng suspect sa Ateneo shooting

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nakipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation sa Quezon City Police District para sa parallel investigation kaugnay ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University nitong Linggo.

Ayon sa QCPD, bukas sila sa imbestigasyon ng NBI at makikipagtulungan sila sa ahensya para sa mas mabusising imbestigasyon ng kaso.

Tatlo ang kumpirmadong patay sa insidente kabilang si dating Lamitan Mayor Rosita Furigay, kanyang aide na si Victor Capistrano at security guard ng Ateneo na si Jeneven Bandiola.

Sugatan naman ang anak ng dating alkalde na si Hanna at isang 54 anyos na babae.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon ng QCPD, nakapasok ang suspek na si Chao-Tiao Yumol sa loob ng unibersidad sakay ng isang app-based transport network vehicle service at nakihalubilo sa mga dumadalo sa graduation rites

Sa isang video na eksklusibong nakuha ng ABS CBN News, makikita ang pagtakbo ng gunman na nakasuot ng puting damit palabas ng Ateneo matapos ang pamamaslang.

Sa isa pang video, makikita ring pinaputukan ang suspek ng isang security aide ng panauhin din sa graduation ang suspek.

Di nahagip sa CCTV, pero ayon sa awtoridad, sumunod na ginawa na ng suspek ang pang-aagaw ng isang kotse.

Sa isang video, nakakulay-berdeng damit na ang suspek at sinubukang nitong mang-agaw ng tricycle sa lugar pero nanlaban ang driver nito.

ADVERTISEMENT

Dito na patuloy na tumakbo ang suspek at sumakay ng e-jeepney.

Dahil nasundan ng mga pulis, naharang ang sinasakyang e-jeep ng suspek at dito na siya tuluyang naaresto.

“Ah yun ating operatiba yung TMRU natin ito ang naging susi kasi sinundan muna siya kung saan siya pupunta at saan siya sasakay kaya yung agarang aksyon ng pulis yun ang naging dahilan bakit nakuha natin in less than 30 minutes sa aking account ano, nakuha natin ang suspek," ani QCPD director Remus Medina.

Nauna nang sinabi ng kampo ng mga biktima, matagal nang may galit ang suspek sa biktima. Nauna nang sinabi ng suspek na dapat ipagpatuloy ng bagong administrasyon ang war on drugs dahil sangkot umano dito ang dating alkalde, bagay na pinabulaanan ng mga Furigay.

Dalawang baril ang narecover sa suspek kung saan nakapangalan sa kanya ang isa at ang isa pa patuloy na iniimbestigahan ng QCPD kung sino ang may-ari

ADVERTISEMENT

Inihahanda na ang mga kaso laban sa suspek kabilang na ang murder, frustrated murder at paglabag sa gun ban.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.