Ilang karinderya, umaaray na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang karinderya, umaaray na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Ilang karinderya, umaaray na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umaaray na ang ilang mga nagtitinda sa mga karinderya dahil sa apektado ang kanilang negosyo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng baboy, gulay at isda.

Ayon sa isang tindera, kung dati ay umaga at gabi lang nagtitinda ng mga ulam sa kaniyang maliit na karinderya sa Commonwealth, Quezon City, ngayon ay buong magdamag na para lang mayroon siyang kitain.

Nagbabayad din umano siya ng P1,000 kada araw sa renta sa pwesto.

Wala na rin siyang magawa kung di ang magtaas ng presyo ng mga ibinebentang lutong ulam.

ADVERTISEMENT

Doble dagok umano para sa kanila ang tumal ng benta dahil sa pandemya na sinabayan pa ng sama ng panahon.

Kung ang iba ay nagtaas na ng P2 hanggang P5 sa kada putahe na ibinebenta nila, may iba naman ang hindi nagtaas ng presyo pero nagbawas na ng servings per order.

Ayon sa mga nagtitinda, ganito na muna ang kanilang diskarte habang hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin.

- TeleRadyo 28 Hulyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.