Jeep bumangga sa steel barrier sa Shaw Blvd., tsuper tumakas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jeep bumangga sa steel barrier sa Shaw Blvd., tsuper tumakas

ABS-CBN News
Published Jul 21, 2022 07:27 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Isang driver ng jeep ang tumakas matapos bumangga ang minamaneho niya sa steel barrier sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, Miyerkoles ng gabi.

Alas-7:45 ng gabi nang bumangga ang jeep sa steel barrier sa kahabaan ng Shaw sa Barangay Highway Hills.

Malakas ang pagkakabangga nito kaya nasira ang unahang bahagi ng jeep at ang steel barrier.

Ayon kay Police Msgt. Bernardo Oriol ng traffic division ng Mandaluyong PNP, bumabiyahe sa kahabaan ng Shaw flyover ang jeep nang mawalan ng kontrol ang driver nito.

Walo ang sakay ng jeep, pero wala namang malubhang nasaktan sa aksidente.

Matapos ang aksidente, agad na tumakas ang driver ng jeep.

Nagsagawa ng opersyon ang PNP para mahanap ang driver.

Nakausap na rin ng PNP ang may-ari ng jeep ay handa namang makipagtulungan. – Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News