Pinoy sa Myanmar nasawi sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy sa Myanmar nasawi sa COVID-19

Pinoy sa Myanmar nasawi sa COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 20, 2021 07:04 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Isang Pinoy ang namatay sa Myanmar noong nakaraang linggo dahil sa COVID-19 sa gitna ng lumalalang kaso ng sakit doon, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Yangon.

Ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr., nagkakaubusan na ng supply ng medical oxygen sa Myanmar kasunod ng paglobo ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant.

"May isang Flipino nagkaroon ng COVID na ang nagbigay sa kaniya ng oxygen ay employer niya, pero pagdating sa ospital wala na siyang oxygen. So, pumanaw po 'yung Pilipino na 'yun. May isang casualty na po tayo sa Myanmar," aniya sa panayam sa Teleradyo Martes.

Kamakailan, itinaas sa alert level 4 ang sitwasyon sa Myanmar kung saan inirerekomendang lumikas ang mga Pinoy na nagtatrabaho roon.

ADVERTISEMENT

"Ang aming analysis at analysis ng mga doktor doon, sabi nila, ang COVID situation sa Myanmar is nearing catastrophic proportion," ani Kapunan.

"Ibig sabihin niyan, lumalala pero hindi nalalaman ng publiko na lumalala ito because of their reforming system. Plus of course, ang mga ospital ngayon sa Myanmar fully occupied na," dagdag niya.

Ani Kapunan, hindi pa rin nagsisimula ang pagbabakuna sa Myanmar. Nagsisikap na rin umano ang ilang embahada roon na mag-angkat ng COVID-19 vaccines.

Sa kasalukuyan, may 43 Pinoy ang nagboluntaryo na bumalik ng Pilipinas at nakaiskedyul silang umuwi ngayong Agosto.

Base sa tala ng embahada, nasa 600 pang Pinoy ang natitira sa Myanmar kung saan karamihan ay nagtatrabaho bilang engineer at guro at nasa manufacturing companies.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.