Abot-baywang na baha, naranasan sa Bulacan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Abot-baywang na baha, naranasan sa Bulacan

Abot-baywang na baha, naranasan sa Bulacan

ABS-CBN News

Clipboard

Abot-baywang na baha, naranasan sa Bulacan
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Umabot hanggang baywang ang bahang naranasan sa ilang bahagi ng Sta. Maria, Bulacan matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan kahapon.

Halos pitong oras na nakababad sa baha ang mga residente ng Barangay Tumana sa nasabing lungsod pero hindi sila umalis sa kanilang mga bahay.

Ang iba, lumusong sa baha para isalba ang mga inanod na damit.

Sanay na raw kasi ang mga residente sa baha lalo't madalas umapaw ang katabing ilog doon.

ADVERTISEMENT

Pero nag-aalala pa rin ang ilang residente sa sakit na maaaring idulot ng maruming tubig.

Inirereklamo nila ang drainage system sa kanilang lugar na nagiging sanhi umano ng pagbaha.

Dahil dito, nanawagan sila sa lokal na pamahalaan na ayusin na ang kanilang drainage system para maiwasan na ang problema sa baha.

Wala pang tugon kaugnay nito ang lokal na pamahalaan.

Nang humupa naman ang baha, mistulang nasa pista ang mga taga-Tumana na nagsama-sama sa ilog para manghuli ng tilapia.

--Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.