Bulacan, binaha ang ilang bahagi dahil sa malakas na ulan | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bulacan, binaha ang ilang bahagi dahil sa malakas na ulan

Bulacan, binaha ang ilang bahagi dahil sa malakas na ulan

Angel Movido,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Binaha ang ilang bahagi ng Sta. Maria, Bulacan dahil sa malakas na ulan kahapon.

Aabot sa pitong oras ang pagkakababad sa baha ang mga bahay sa Brgy. Tumana.

Ayon sa mga residente, mabilis tumaas ang tubig simula nang umulan bandang 5:00 PM kahapon.

Nasanay na raw sila sa baha tuwing umuulan, pero hindi pa rin naalis ang takot na may madisgrasya o may makuhang sakit dahil sa dumi ng tubig na umaagos sa kanilang mga bahay na galing umano sa mga poultry farms.

ADVERTISEMENT

Isinisi din nila ang pagbaha sa may konstruksyon at pagpapatambak malapit sa lugar, na dapat raw ay daluyan ng tubig.

Nanawagan sila sa lokal na pamahalaan na ayusin na ang kanilang drainage system para maiwasan na problema sa baha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.