Barangay sa Marikina nagsasanay rumesponde sa baha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay sa Marikina nagsasanay rumesponde sa baha

Barangay sa Marikina nagsasanay rumesponde sa baha

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Isang barangay sa Marikina City ang sumasailalim ng training tungkol sa pagresponde sa baha.

Para sa mga opisyal ng Barangay San Roque, malaking bagay na laging nakahanda sa kalamidad lalo at bahain ang kanilang lugar.

Kaya naman ang mga opisyal ng barangay, mga barangay tanod, kaminero at rescue vounteers, ipinasailalim na sa boat handling and water rescue training.

Sa Angeles City, Pampanga pa nag-training ang mga opisyal ng barangay at rescue volunteers.

ADVERTISEMENT

Ilan sa mga training nila ang paggamit ng mga rescue equipment tuwing may baha.

Matapos ang training, bumili na rin ng mga karagdagang rescue equipment ang barangay gaya ng life vests, rescue tube at mga helmet.

Ayon kaya barangay kagawad Dennis Santiago ang Vice Chairman ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council, regular na ang ginagawa ilang pa-training sa mga rescue volunteers.

Maging sa mga residente sa mga bahaing lugar may pa-training din sila para alam ang mga gagawin sakaling may banta ng pagbabaha sa kanilang lugar o kung may malakas na pag-ulan o kaya naman may bagyo.

Bukod sa training, nagsimula na rin ang barangay sa paglilinis ng mga kanal para masiguro na hindi barado ang mga ito ngayong tag-ulan na.

Ang San Roque handang-handa na sa mga darating na tag-ulan ngayong taon

Catch basin ang Marikina ng tubig mula sa Antipolo City at San Mateo, Rizal kaya naman tuwing may bagyo o malalakas at sunod-sunod na ulan, madaling umapaw ang Marikina River na nagdudulot nang pagbabaha.

Sa San Roque, may mga lugar na lampas tao ang baha. - Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.