Motorsiklo bumangga sa barrier sa Commonwealth, rider sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Motorsiklo bumangga sa barrier sa Commonwealth, rider sugatan

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jul 08, 2022 07:30 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagtamo ng mga sugat sa braso at ulo ang isang security guard matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa barrier sa Commonwealth Avenue sa Quezon City Biyernes.

Aminado ang security guard na si Regie Terante na nakatulog siya habang pauwi sa kanilang bahay sa Montalban, Rizal, kaya siya naaksidente kaninang alas-dos ng madaling araw.

Kwento ni Terante, nagtatrabaho siya bilang isang security guard sa Cubao. Labingdalawang oras siyang nakaduty at inaantok na habang nagmamaneho.

Tumama ang kanyang motorsiklo sa gutter sa Commonwealth Avenue dahilan kaya natumba ito. Agad namang nilapatan na ng paunang lunas ang sugatang rider.

Ayon sa MMDA traffic enforcer na rumesponde sa aksidente,
kada linggo na lang ay may naitatala silang aksidente sa Commonwealth na may kadalasan ay dahil sa pagod, o kaya'y lasing ang mga nagmamaneho.

Kaya paalala nila sa mga motorista, wag nang ipilit magbyahe kung inaantok at mas lalo na kapag nakainom.