Lotto outlets dinadagsa dahil sa inaasahang P400 milyong jackpot | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lotto outlets dinadagsa dahil sa inaasahang P400 milyong jackpot

ABS-CBN News
Published Jul 06, 2022 09:10 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Dahil papalo na sa P400 milyon ang jackpot prize ng 6/55 draw o Grand Lotto Draw, inaasahan na ng mga lotto outlet ang pagdagsa ng mga mananaya.

Dahil hindi napanalunan noong Lunes ang winning numbers na 42-06-09-29-33 at 01, tumatagingting na P372 million na ang jackpot prize, pero habang marami ang tumataya, tataas pa ito bago ang draw Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa lotto outlet, magtatatlong buwan nang walang nakakakuha ng jackpot kaya tumaas nang tumaas ito.

Isa ito sa pinakamataas na jackpot prize ngayong taon, ayon sa mga may-ari ng lotto outlet.

ADVERTISEMENT
Hapon lalo na kung labasan na ng trabaho, dumarami ang pila.

Ang iba sa mga tumataya sa lotto, noong Martes pa tumaya na para hindi makipagsiksikan kung saan inaasahan ang pagdami ng mga mananaya.

Sa ibang outlet, ubos na ang card para sa 6/55 draw sa dami ng tumaya.

Kanya-kanyang plano ang mga mananaya sakaling sila ang maswerteng mananalo sa lotto.

Ang iba bibili raw ng bahay at lupa kung sakaling palarin na masungkit ang jackpot. Ang iba naman gagamitin daw sa negosyo.

Bukod sa 6/55, may 6/45 draw din ngayong Miyerkoles o Mega Lotto na nasa P12 million ang jackpot prize.

Wala ring nanalo sa 6/58 draw nitong Martes na nasa P71 million na.

Mayroon ding Super Lotto o 6/49 na nasa P19 million ang jackpot at 6/42 n nasa P28 million ang jackpot prize.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News