Lalaking umano’y lulong sa droga patay sa pamamaril sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Lalaking umano’y lulong sa droga patay sa pamamaril sa Caloocan

Lalaking umano’y lulong sa droga patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Dalawang tama ng bala sa dibdib ang kumitil sa buhay ng isang construction worker sa Brgy. 176. Bagong Silang North, Caloocan, Lunes ng gabi.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Ricardo Perol, nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay alyas Anna, kasama ni Perol bago ang pamamaril, pumunta sila sa Phase 4 ng nasabing barangay para umano magtubos ng sinangla nilang relo.

Doon dumating ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

ADVERTISEMENT

Aminado ang kapatid ng biktima na si Rodelyn Perol na lulong sa ilegal na droga ang biktima at nakulong na rin ito dati nang dahil dito.

Isa ito ngayon sa tinitingnang anggulo ng mga pulis.

Ayon naman kay Eladio Delos Santos, purok leader sa lugar, ito na ang pang-anim na beses na may naitala silang pamamaril sa kanilang lugar.

Kadalasan kasi aniyang dito nakikipagtransaksyon o palitan ng droga.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.