PatrolPH

Guwardiya patay sa pamamaril sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2022 06:27 PM | Updated as of Jun 27 2022 07:04 PM


Isang guwardiya ang patay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Piape-2, Hamtic, Antique, Linggo ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Claudio Abellon, 56 taong gulang at nakatira sa Barangay Piape-3, Hamtic, Antique.

Sa imbestigasyon ng Hamtic Police, pauwi na at sakay sa kanyang motorsiklo ang biktima nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga salarin na nakasakay rin sa isang motorsiklo.

Natumba sa kalsada ang biktima matapos tamaan ng bala.

Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo ng bala.

Mabilis na tumakas ang dalawang lalaking salarin sakay ng kanilang motorsiklo.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Hamtic Police sa motibo sa krimen at pagtukoy sa mga salarin.

- ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.