Lalaking nanloob umano ng bahay, kinuyog ng mga residente sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanloob umano ng bahay, kinuyog ng mga residente sa Maynila

Lalaking nanloob umano ng bahay, kinuyog ng mga residente sa Maynila

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2023 08:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang 22-anyos na lalaki matapos kuyugin ng ilang residente ng Barangay 52 sa Tondo, Maynila makaraang pagnakawan umano ang isa nilang kapitbahay.

Sakay ng motorsiklo, dadalhin na sana sa barangay ang lalaki, pero pagkarating ng Almario Street, sinalubong siya ng mga galit na residente at pinagbubugbog.

Rumesponde ang mga barangay tanod para awatin ang mga tao at dalhin sa presinto ang suspek.

Ayon sa bitkima, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang magising siya at wala na ang kanyang cellphone na katabi sa higaan.

ADVERTISEMENT

Natangay rin ang kanyang driver’s license, P3,000, at dalawang pares na branded na tsinelas.

Bugbog sarado ang suspek nang dalhin sa ospital at tanging isang pares lang ng tsinelas ang narekober sa kanya.

Inamin naman nito ang krimen at sinabing nangangailan lang siya ng pera.

Napag-alaman din na hindi ito ang unang beses na nagnakaw umano ang suspek sa naturang barangay kaya desido ang biktima na ituloy ang reklamo.

Nasa kustodiya na siya ngayon ng Tayuman Police Community Precinct at mahaharap sa kasong theft.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.