Simbahan sa Ateneo, inihahanda na para sa funeral mass ni Noynoy Aquino | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Simbahan sa Ateneo, inihahanda na para sa funeral mass ni Noynoy Aquino

Simbahan sa Ateneo, inihahanda na para sa funeral mass ni Noynoy Aquino

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Naghahanda na ang Church of the Gesu sa Ateneo de Manila University sa Quezon City para sa funeral mass para kay dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ngayong Sabado.

Maaga pa lang ay inaayos na ang mga harang at daanan kung saan maaaring maglakad ang mga tao papasok ng simbahan. Biyernes ng gabi inilipat ang urn na laman ang abo ni Aquino mula sa simbahan papunta sa bahay ng pamilya nito.

Inaasahang ibabalik ito sa simbahan para sa funeral mass ng 10 ng umaga.

Si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang magmimisa kasama ang iba pang mga pari.

ADVERTISEMENT

Ito ay hindi para sa publiko. Wala ring public viewing at para lamang sa pamilya at mga kaibigan. Mapapanood naman ang misa sa Facebook page ng Ateneo de Manila University.

Mula dito ay agad na idederetso sa Manila Memorial Park sa Parañaque ang urn ng dating pangulo para sa inurnment sa tabi ng puntod ng mga magulang na sina dating senador Benigno Aquino Jr. at dating pangulong Corazon Aquino.

- TeleRadyo 26 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.