Sugatang pulis sa engkuwentro laban sa drug suspects, ginawaran ng medalya

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 10:41 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ginawaran ng medalya ang pulis-Parañaque na nasugatan sa laban kontra sa mga drug suspects sa Baclaran noong Linggo.

Nitong Lunes, ginawaran si Police Corp. Allan Baltazar ng Medalya ng Sugatang Magiting habang nagpapagaling sa ospital.

Makatatanggap ng tulong pinansyal ang kaniyang pamilya at ang pamilya ni Police Lt. Armand Melad na nasawi sa engkuwentro, ayon sa Philippine National Police.

Bukod sa death benefits, may lifetime pension na matatanggap ang pamilya ni Melad, dagdag ng PNP.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News