Mga walang suot na face shield sinita sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga walang suot na face shield sinita sa Pasay

ABS-CBN News
Published Jun 22, 2021 08:57 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Tinutukan ng mga enforcer ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) ang paglabag sa pagsusuot ng face shield sa kanilang operasyon sa ilang pangunahing kalsada sa Pasay City, Martes ng umaga.

Sa Gil Puyat corner Taft Avenue, sinita ang mga jeep na nakitang hindi naka-face shield ang driver at mga pasahero.

Namigay na rin ng face shield ang mga enforcer at nagpaalala na suotin ito lagi sa publiko.

Inisyuhan naman ng ticket dahil sa obstruction ang mga jeep na nahuling tumatambay o nagsasakay sa "no loading and unloading area” sa Gil Puyat pati na rin sa Roxas Boulevard corner EDSA.

ADVERTISEMENT
Ayon kay i-ACT Special operations Team Leader Jose Manuel Bonnevie, dumagdag sa tindi ng traffic sa mga intersection ang pagtitigil nang matagal ng mga jeep at tila pagte-terminal sa mga ito kahit ipinagbabawal.

Anila dapat hindi lumagpas sa ilang minuto ang pagtigil ng mga PUV para magsakay at magbaba ng pasahero.

Inabot sa 20 ang naisyuhan ng tiket sa mga pampubliko at pampribadong sasakyan.

Sinita naman sa mga private vehicles ang mga driver na walang suot na seatbelt at mga nagmomotorsiklo na hindi nakahelmet o substandard helmet ang gamit.

I-ACT enforcers give out face shields to jeepney passengers found not wearing them during the agency’s operation in Gil Puyat Avenue Pasay City
📹:i-ACT pic.twitter.com/woai2VkVfA
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) June 22, 2021

Mga pampublikong sasakyan na nakahambalang sa kalsada ang pangunahing binabantayan ngayon ng ahensya sa gitna ng pagtindi ng traffic sa mga highway sa Metro Manila.

Noong Lunes, tiniketan para sa obstruction at iba pang paglabag ang aabot sa 30 sasakyan sa Congressional Avenue malapit sa Roosevelt at EDSA sa Quezon City.

Kalahati sa mga ito ay mga jeep, bus, at iba pang pampasaherong sasakyan na humarang sa outer lane ng kalsada.

Ayon sa i-ACT, nakikipag-agawan pa umano ng pasahero ang mga nakatigil na sasakyan doon.

A line of buses and jeeps was found obstructing one lane of Congressional Avenue in Quezon City. Enforcers said that rather than stopping for a few minutes to drop or take on passengers, the PUVs had already parked on the road waiting for riders.
📹:i-ACT pic.twitter.com/CaGNd8F25b
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) June 21, 2021

Matagal nang inirereklamo sa kanila na humahaba ang pila ng mga jeep at bus dahil dito.

Kasama rin sa hinuli ang mga taxi at jeep na tumigil o pumarada naman sa bike lane at sidewalk.

Magmumulta ng P1,000 ang nahuhuli dahil sa obstruction.

- TeleRadyo 22 Hunyo 2021
Read More:
i-ACT
transportation
commuting
jeep
bus
transport
Inter-Agency Council for Traffic
PUV
traffic
Congressional Avenue
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT