ALAMIN: Bilang ng padating na bakuna at estado ng nag-expire na AstraZeneca, tinalakay | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bilang ng padating na bakuna at estado ng nag-expire na AstraZeneca, tinalakay

ALAMIN: Bilang ng padating na bakuna at estado ng nag-expire na AstraZeneca, tinalakay

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Unti-unting nang nagiging regular umano ang pagdating ng supply ng COVID-19 vaccines sa bansa, kaya payo ng Department of Health sa publiko na magpatala na para magpabakuna.

“The vaccine supplies are stabilizing so kailangan lang po natin talagang magpalista. Antayin lang natin yung turn natin.
At pansamantala, mag-ingat pa rin po tayo,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Sa segment na Bakuna Muna sa programang Kabayan sa TeleRadyo nitong Miyerkoles, sinabi ni Vergeire na tinatayang 10 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang dumating ngayong buwan.

“By July, 11 million of vaccines. And by August, 11 million din po. Unti-unting tumataas ang supplies na dumadating sa ating bansa,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Sinagot din niya ang ilang mga katanungan hinggil sa bakuna at pagbabakuna.

ILAN NA ANG MGA NABILI AT DONASYON NA BAKUNA SA BANSA:

“Ang Sinovac, meron na tayong a total of 7.5 million doses. Yun lang pong 1 million ang donation dyan, 6.5 million are procured by government. Ito pong Gamaleya Sputnik V, ito po ay binili rin ng ating gobyerno. For this June, we have been committed about a million doses of Sputnik V. Ito namang sa COVAX, ito po ay isang equitable assistance galing sa WHO (World Health Organization). Pero sooner, pagkatapos ng unang batch, pagdating ng ibang taon, meron lang counterpart yan galing sa ibang countries.”

ANONG MGA BAKUNA PARA SA PRIVATE SECTOR:

“They have ordered AstraZeneca, Moderna. Meron din namang iba bumili ng Sinovac. Sa ngayon, ‘di pa lubos na dumadating ang mga bakuna sa private sector.”

KASAMA BA SA A4 CATEGORY ANG MGA KASAMBAHAY?

“Yes, kasama ang kasambahay sa A4.”

NAGAMIT BA ANG NAG-EXPIRE NA SUPPLY NG ASTRAZENECA:

“Nai-distribute na po natin itong lahat ng to-expire ng June and to-expire by July na mga bakuna. And, according to our latest report, kakaunti na lang ang natira. Almost 90 percent na ang naibigay natin at kaunti na lang ang kailangang ubusin.”

ADVERTISEMENT

PAGBABAKUNA SA MGA SINEHAN PAANO MATITIYAK NA LIGTAS:

“Ipinatupad na po yung safety seal certification kung saan yung big establishments katulad ng cinemas nila, may good ventilation system. At ini-inspect po yan ng LGU, ng DTI, ng DOLE. Aside from ventilation, kailangang ma-maintain din natin ang organisado at hindi nagka-crowd ang mga tao sa loob ng sinehan para walang tyansa ng pagkakahawa-hawa.”

Paalala naman ni Vergeire sa mga nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna na mag-ingat pa rin at huwag maging kumpiyansa.

“'Pag tayo nabakunahan ng second dose, we have to wait for about 2 weeks bago tayo magkaroon ng bisa ng bakuna at masabi nating protektado na talaga tayo na totoo. Kailangan pa rin nating balansehin yan, kasi marami sa ating kababayan, nagiging complacent. Because nabakunahan na ng dalawa(ng doses), labas na nang labas. Kailangan natin isipin na tayo ay pwede pang mahawa at makapanghawa.”

- TeleRadyo 16 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.