DOH: Pagsusuot ng face mask sa publiko mandatory pa rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH: Pagsusuot ng face mask sa publiko mandatory pa rin

DOH: Pagsusuot ng face mask sa publiko mandatory pa rin

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Kasunod ng pagtatanggal ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa Cebu, sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na dapat pa rin ito suotin sa labas, lalo na sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa inilabas na executive order ng Cebu provincial government ukol sa pagsusuot ng face mask.

Ani Vergeire, dapat sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases magkonsulta muna ng mga ganitong usapin dahil ang IATF ang nagpapatupad ng mga polisya sa buong bansa ukol sa paglaban sa COVID-19.

Hindi pa napapanahon na ipatigil ang pagsusuot ng facemask dahil may kaso pa at hindi pa nawawala ang COVID-19, dagdag niya. —SRO, TeleRadyo, Hunyo 9, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.