Home > News Pulis, pinatay ng riding in tandem sa Parañaque ABS-CBN News Posted at Jun 10 2020 09:30 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Patay sa pamamaril ang isang pulis Martes ng gabi sa East Service Road, Barangay San Martin De Porres sa Parañaque City. Kinilala ang biktima na si Police Cpl. Michael Banaag na binaril umano ng riding-in-tandem. Ayon sa ilang nakakita, nakarinig sila umano ng magkakasunod na putok ng baril mula sa magkaangkas na suspek. Dalawang linggo pa lang naka-assign sa Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office si Banaag. Dati siyang anti-drug operative ng Manila Police District. Ayon kay Police Col. Robin King Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police, pauwi na sana sa Tondo ang biktima nang mangyari ang pamamaril. Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagpatay. --Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog News, crime, shooting, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City Read More: Tagalog News crime shooting Barangay San Martin De Porres Parañaque City