PatrolPH

P61-M halaga ng shabu nasabat sa Parañaque; umano'y tulak patay

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2022 06:57 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dead on the spot ang isang umano'y tulak matapos umanong maka-engkwentro ang pulisya sa isang buy-bust operation sa Parañaque City Martes ng gabi.

Matapos magpositibo ang transakyon sa sa Barangay Don Galo at akmang huhulihin na ang suspek ay bigla umano itong nanlaban kaya pinaputukan siya ng pulisya.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa siyam na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P61 milyon.

Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa grupo na malakihang suplayer ng droga sa Metro Manila at Calabarzon.

Modus umano nila na itago sa appliances ang sinasabing mga ilegal na droga.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.