PatrolPH

P68-M halaga ng umano’y shabu nasabat sa QC; 2 suspek patay

ABS-CBN News

Posted at May 31 2022 08:16 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Dalawang suspek ang patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang drug bust sa Quezon City nitong Lunes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naramdaman ng mga suspek umano na pulis ang kanilang binebentahan ng ilegal na droga sa Arboretum Road.

Agad umano bumunot ng baril ang mga ito kaya wala nang nagawa ang mga pulis kundi ang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Sampung tea bag na may lamang hinihinalang shabu ang narekober ng awtoridad na may halagang P68 milyon.

Iniimbestigahan ng QCPD kung sinong grupo ang may hawak sa mga suspek, na sinubukan pang dalhin sa ospital pero idineklara ding mga dead-on-arrival. – Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.