OFW namatay sa quarantine hotel dahil sa sakit sa puso: OWWA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW namatay sa quarantine hotel dahil sa sakit sa puso: OWWA

OFW namatay sa quarantine hotel dahil sa sakit sa puso: OWWA

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Walang kinalaman sa COVID-19 ang dahilan ng pagpanaw ng isang overseas Filipino worker sa quarantine hotel sa Cebu noong Mayo 30, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“Acute myocardial infarction, may ischemic heart disease. 'Yun po ang dahilan, sa kasamaang-palad nasawi siya sa hotel room ng May 30 with no signs or symptoms,” pahayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Cacdac naipasa naman ng OFW na nakilalang si Geraldine Dasalya ang screening na isinagawa sa airport at maging sa pagpasok sa quarantine facility.

“Isinasaayos na ang kaniyang pag-uwi dito sa kaniyang lalawigan sa Luzon. Nakipag-ugnayan na rin kami sa pamilya. Tutulungan namin ang kaniyang pamilya,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Samantala, patuloy na tinutulungan ng OWWA ang mga OFW na naantala ang paglipad sa Saudi Arabia matapos na pansamantalang pahintuin ng gobyerno ang deployment doon.

Maraming OFW na palipad sana ng Saudi Arabia nitong nakaraang linggo ang hindi nakasakay ng kanilang eroplano dahil sa utos na temporary suspension sa deployment sa naturang bansa.

Nais ng pamahalaan na ang mga sponsor o employer ng mga OFW ang aako sa institutional quarantine protocol na ipinatutupad sa Saudi Arabia para hindi maging dagdag gastos ito para sa mga manggagawang Pilipino.

“Mga 205 na OFW at karamihan sa kanila naka-billet pa rin sa ating mga hotel. Nirerebook na po sila paisa-isa and of course mga 50 percent sa kanila ay nakakuha ng schedule,” sabi ni Cacdac.

Dagdag ni Cacdac, nakipag-usap na rin sila sa airline na nangakong mabibigyan ng schedule hanggang Hunyo 5 ang mga natitirang OFWs para makaalis na patungong Saudi Arabia.

Sagot ng OWWA ang gastos ng mga nadelay na OFW patungong Saudi Arabia.

“Kung may iba pang problema like additional cost tayo din ang sumasagot and then yung reswab test tayo rin,” sabi niya


- TeleRadyo 2 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.