9 miyembro ng 'laglag-barya' gang, timbog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 miyembro ng 'laglag-barya' gang, timbog

9 miyembro ng 'laglag-barya' gang, timbog

ABS-CBN News

 | 

Updated May 31, 2023 07:22 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Babala sa publiko: Hindi na lamang sa loob ng jeep nangyayari ang modus na laglag barya dahil kahit saang lugar, maaari kayo nitong mabiktima.

Sa CCTV, makikita na aaligid-aligid ang limang indibidwal sa nakaupong babaeng customer ng fast food chain na ito sa Angeles City, Pampanga.

Maya-maya pa’y kinalabit ng lalaking nakaputi ang customer at tinuro ang mga nalaglag na barya.

At nang mawala ang kanyang atensyon, dali-daling kinuha ng lalaking nakasumbrero ang kanyang bag.

ADVERTISEMENT

Sa Sta. Cruz, Maynila naman, tumigil ang kulay asul na sasakyan sa harap ng puting SUV na ito.

Ilang saglit lang ay nagsibabaan ang mga sakay nito at saka pumuwesto sa paligid ng SUV.

Nang makakuha ng tiyempo, nilapitan ng isang lalaki ang driver ng SUV at sinabing may mga nalaglag na barya mula sa sasakyan. Habang kinakausap siya nito, hindi namalayan ng driver na binuksan ng isa pang kawatan ang pintuan ng SUV at saka pasimpleng kinuha ang bag na naglalaman ng P350,000.

Nagreklamo ang biktima sa istasyon ng pulis. At matapos ang isinagawang follow-up operation, naaresto ang siyam na miyembro ng laglag barya gang na responsable rin sa naging nakawan sa Pampanga.

Apat sa kanila ay una nang nahulihan ng ilegal na droga.

Sinampahan na ng reklamong theft at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang iba pang miyembro ng ‘laglag barya gang’ na tinuturing nang notorious sa Maynila.

--TeleRadyo, 31 May 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.