PNP, LGU, naghihigpit sa mga concert, event organizers

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 10:26 PM

Watch also in iWantTFC

Mas naghihigpit na ang Philippine National Police at ang mga lokal na pamahalaan sa pamimigay ng permit sa mga concert organizer at malalaking event. Ito ay bilang dagdag pananggalang sa banta ng terorismo. 

Patuloy din ang pagbabantay ng National Capital Region Police Office kahit wala pa umanong namo-monitor na banta ng terorismo sa ngayon. 

Tuloy din ang mga checkpoint at OPLAN Sita sa mga lansangan ng Metro Manila. Nagpa-Patrol, Raffy Santos. TV Patrol, Martes, 30 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.