ALAMIN: Tamang paggalang sa watawat ng Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Tamang paggalang sa watawat ng Pilipinas

ABS-CBN News
Published May 30, 2017 11:42 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinimulan na ngayong linggo ang tinaguriang mga Araw ng Watawat na layong bigyang halaga ang bandila ng Pilipinas lalo't papalapit na ang Araw ng Kalayaan.

Muling itinaas nitong Lunes ang isang higanteng bandila sa Cavite, kung saan una itong ipinakilala noon ipinaglalaban pa ang kalayaan.

Taon-taon, inaalala ng mga Caviteño ang sagupaan ng mga rebolusyonaryong Pilipino at ng mga Kastila sa Imus noong Mayo 28, 1898, na tinaguriang "Battle of Alapan."

Iyan ang ginugunita ngayon ng bansa bilang Araw ng Watawat.
Iyan ang ginugunita ngayon ng bansa bilang Araw ng Watawat.
ADVERTISEMENT
Hanggang sa anibersaryo ng pagdeklara ng kalayaan sa Hunyo 12, hinihikayat ang mga Pilipino na ipakita ang bandila sa mga opisina, paaralan, tahanan at sa mga pampublikong lugar.

Paraan na rin ito ng pakikiisa sa mga kababayan lalo na sa panahon ng pagsubok sa Mindanao.

Pero hindi lang basta-basta ginagamit ang bandila. Narito ang ilang paalala sa tamang paggalang sa watawat ng bansa:
- Dapat nasa nakatakda at prominenteng posisyon lang ito ipinapakita.

- Hindi dapat hayaang kumupas o mapunit ang bandila.

- Bawal itong sumadsad sa lupa.
- Bawal itong sumadsad sa lupa.
- Hindi ito dapat gawing dekorasyon, pantakip o lona.

- Hindi ito puwedeng suotin o gawing disenyo ng damit.

- Hindi ito maaaring ilagay sa mabababang puwesto pati na rin sa mga lugar tulad ng night club at pasugalan.

- Bawal sulatan, sirain o gawing katatawanan ang bandila.

– Umagang Kay Ganda, 30 May 2017
– Umagang Kay Ganda, 30 May 2017
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT