Work-from-home employees, kasama sa A4 priority category sa COVID-19 vaccination: Bello | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Work-from-home employees, kasama sa A4 priority category sa COVID-19 vaccination: Bello

ABS-CBN News
Published May 29, 2021 09:57 AM PHT
|
Updated May 29, 2021 08:00 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na maging ang mga manggagawang work-from-home ay dapat na makasama sa A4 katergorya ng mga prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

“Hindi ibig sabihin na work-from-home ka all the time nasa bahay ka na. You have to liberalize the interpretation. Basta importante 'pag worker ka kasama ka sa A4,” pahayag ni Bello.

Nitong Biyernes ay inilabas ng pamahalaan ang ilang rebisyon sa mga priority groups o pagkakasunod-sunod ng mga indibidwal na babakunahan.

Sakop sa A4 priority group lahat ng manggagawang kailangang lumabas ng bahay at pumasok sa opisina araw-araw.
Sakop sa A4 priority group lahat ng manggagawang kailangang lumabas ng bahay at pumasok sa opisina araw-araw.
ADVERTISEMENT
“Hindi naman kailangang ispecify mo na you have to be at work all the time kasi when you’re working at home, ’yung work-from-home arrangement, it does not mean naman na hindi ka na nagre-report. You have to submit your written report. You have to go there and get your salary. Kung may mga instruction employer mo you come to the office for further instruction,” sabi ni Bello sa panayam sa TeleRadyo.

Unang nabanggit ni Trade Sec. Ramon Lopez na naniniwala siyang kasama rin sa A4 group ang mga manggagawang work from home.

“Hindi po talaga pinag-usapan na bawal ang WFH . . . Gusto natin maabot ang 500,000 jabs per day, so di pwedeng malimit ang sector. Ang work from home ay temporary. Hindi ito forever,” ani Lopez.

“Wala tayong definition ng work from home sa inilabas na resolution. ’Pag nagpalista, tinitignan lang doon ang worker. ID lang. Di naman tatanungin kung work from home. Ang government ang nagpa-WFH eh, so parang nadisadvantage pa ang nag work from home.”

Pabor naman ang Employers’ Confederation of the Philippines na unahin muna sa pagbabakuna ang mga manggagawang kailangan nang lumabas ng bahay at pumasok sa trabaho araw-araw.

“Kung talagang ang purpose is to gain herd immunity, siyempre unahin ang mahahawa at makakahawa. Kung WFH, wala namang danger sa’yo. Di ka naman lumalabas,” ani Ortiz-Luis.
-- May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
Work-from-home
A4 vaccination priority category
workers
DOLE
Silvestre Bello III
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT