PatrolPH

Most wanted sa Pampanga patay matapos umanong manlaban; shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at May 28 2022 07:41 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Patay ang tinaguriang "Top 1 most wanted person" ng Pampanga matapos manlaban umano sa pulisya habang hinahainan ng warrant of arrest sa Angeles City.

Ayon sa report, pasado alas 6:15 ng gabi nitong Huwebes ay isisilbi ang warrant of arrest kay alyas Derrick sa Barangay Pandan dahil sa kasong robbery-holdup sa mga convenience store at betting station sa probinsiya.

Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaulanan ng putok ang mga operatiba kaya gumanti ng putok ang operating team at dito na napatay ang suspek.

Narekober sa suspek ang isang 9mm pistol, mga bala, at dalawang sachet ng umano'y shabu.

Ang suspek ay sangkot din sa kaliwa’t kanang robbery-holdup sa mga karatig-bayan at probinsya ng Pampanga. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.