Home > News 2 suspek tiklo sa umano’y dog meat trade sa Bulacan; 8 aso nasagip ABS-CBN News Posted at May 27 2022 06:36 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Walong aso ang nasagip sa rescue operation na isinagawa ng pulisya at Animal Kingdom Foundation sa bayan ng Pandi, Bulacan na nauwi sa pagkakaaresto ng dalawang caretaker. Ayon sa Animal Kingdom Foundation, may nagbigay sa kanila ng impormasyon na ang mga suspect ay sangkot sa pagkakatay at pagbebenta ng karne ng aso. Naaktuhan nila ang gagawin sanang pagbebentang naganap malapit sa isang palaisdaan. Hindi na nila naabutan ang buyer sana ng mga aso, na nailigtas at dinala naman sa rescue center ng Animal Kingdom Foundation sa bayan ng Capas, Tarlac para i-rehabilitate at gamutin. Mga aso nasagip mula sa umano'y dog meat trader sa Bulacan Samantala, sa bayan ng Bustos, Bulacan, dalawang aso naman ang pinatay ng may-ari nito matapos barilin ng air gun dahil naiingayan daw ang kaniyang misis sa tahol ng kanilang mga alaga. Ang mga suspek ay humaharap ngayon sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: aso dog meat trade Pandi Bulacan Animal Kingdom Foundation Capas Tarlac Animal Welfare Act