PatrolPH

Guro inakusahang nanggahasa ng dalaga sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 24 2022 06:37 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Arestado ang isang 27-anyos na guro matapos umanong gahasain ang isang 19-anyos na babae sa Norzagaray, Bulacan.

Nag-inuman umano sa isang bar ang dalawa kasama ang iba pa nilang kaibigan at nang nakaramdam na ng hilo, nagpaalam na umanong uuwi ang biktima.

Nagpresinta umano ang suspek na ihatid pauwi ang dalaga subalit sa mismong bahay niya sa Barangay Partida ito dinala.

Sa salaysay ng biktima, hinalikan, hinubaran at pinagsamantalahan siya ng suspek habang hindi siya makalaban dahil sa kalasingan.

Nang makauwi sa kanilang bahay, agad nagsumbong ang dalaga sa kaniyang kuya tungkol sa panghahalay na ginawa ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Norzagaray Police ang guro na nahaharap sa kasong rape.—Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.