Ilang pribadong ospital, problemado sa bilang ng mga nars | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang pribadong ospital, problemado sa bilang ng mga nars

Ilang pribadong ospital, problemado sa bilang ng mga nars

ABS-CBN News

 | 

Updated May 20, 2022 04:29 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATED) — Sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines ngayong Biyernes na problemado ang ilang miyembro nito dahil sa dami ng nars na umaalis para magtrabaho sa ibang bansa o sa mga pampublikong pasilidad.

“'Yan po ang isang napakalaking problema ng private hospitals, kasi talagang, tuloy-tuloy po ang pag-alis ng ating mga nurses, nagpupunta po sila sa abroad, lumilipat sa government facilities,” ani PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano.

Aniya, lalala ang naturang problema kung sisirit ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Sana po ay maintindihan po ng ating Department of Labor [and Employment] na siguro tama lang po na limitahan muna nila 'yung paglabas ng ating mga nurses,” sabi ni De Grano.

ADVERTISEMENT

Noong Pebrero, itinaas ng gobyerno sa 7,000 ang deployment cap para sa mga Pilipinong health-care na nais mangibang-bansa.

Pero sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Abdullah Mama-o nitong Abril na nais niyang pag-aralan ang numerong ito.

Sinisikap nang tapatan ng ilang pribadong ospital ang sahod na ibinibigay ng gobyerno, sabi ni De Grano.

Aniya, “Yun pong binibigay ng government na around P33,000 to P33,000 plus, 'yun po’y pinapantayan na, sinisikap pantayan ng ating mga pribadong ospital.”

“But siyempre yun pong mga maliliit pong pribadong hospital… hindi naman na po kakayanin yon dahil kami po’y, doon din kami nakasalalay 'yung aming pagbibigay ng ganoon sa mga pasyente po,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

EXODUS

Inaasahan din ng Philippine General Hospital na maraming aalis sa kanilang "skilled" healthcare workers dahil sa pagbukas ng ibang bansa.

"Medyo 'yan nga po ang medyo malungkot dahil nag-open po ang maraming bansa para sa mga [healthcare] worker," ani PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario sa panayam sa TeleRadyo Biyernes.

"Madami po kaming nakikitang mga resignation ngayon at ‘yung mga iba po, mga skilled po talaga sila. Matagal na pong operating room nurses, 'yung mga nasa ICU po."

Ayon kay Del Rosario, nananawagan ang PGH sa mga bagong nars na mag-apply.

"Marami po kaming bakante ngayon. Hindi lang sa ICU or operating room, pati po sa mga ward," aniya. "They’re actively recruiting para habang medyo may kaunting katahimikan ay madagdagan po bago dumating, kung sakali lang, magkaroon ulit ng surge."

ADVERTISEMENT

Ang PGH ang pinakamalaking COVID-19 referral center sa bansa. — TeleRadyo, 20 May 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.