PatrolPH

Kotse bumangga sa concrete, plastic barriers sa EDSA

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 07:21 AM

Watch more News on iWantTFC

Durog ang 2 concrete barriers at 1 plastic barrier naman ang wasak matapos sumalpok ang 1 itim na kotse sa mga concrete barriers ng EDSA malapit sa Poveda School, Quezon City.

Yupi ang harapan ng kotse at nawalan ng malay ang lalaking driver nito na nagtamo ng injuries sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Noong una ay tulala ang driver at hindi makapagsalita dahil sa nangyari sa kanya.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng mga otoridad, bandang alas 3 ng madaling araw ng sumalpok ang sasakyan sa mga barriers.

Galing ang driver sa Makati at papuntang Antipolo.

Binigyan agad ng karampatang first aid ang driver at stress de-briefing nang marecover ito sa loob ng sasakyan.

Wala naman itong ibang sakay na indibidwal.

Nahaharap ang driver ng sasakyan sa kasong reckless driving resulting to damage of public properties.

ABS-CBN News, May 19, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.