PatrolPH

3 WWII bombs nadiskubre sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 07:22 AM | Updated as of May 19 2022 07:30 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Natagpuan sa dalawang magkaibang lugar sa Rizal province ang tatlong hinihinalang World War 2 bombs na hindi pa sumasabog.

Ayon sa nakasaksing magsasaka, nagpuputol daw ng puno ng saging ang kaniyang anak sa kanilang bakuran sa Brgy. Pugay sa bayan ng Baras nang makita nila ang dalawang mortar bomb na may sukat na 81mm.

Isa ring pinaniniwalaang bomba na nasa 80mm ang sukat ang natagpuan naman ng isang TNVS driver sa bakanteng lote sa Brgy. Silangan sa San Mateo.

Ang mga hinihinalang bomba ay nasa ligtas na lugar na ngayon at dumadaan sa kaukulang imbestigasyon ng provincial explosives and canine unit.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.