Bangkay ng lalaki natagpuan sa ilog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 09:33 AM | Updated as of May 19 2021 09:58 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Iniimbestigahan ng pulisya ang isang insidente ng hinihinalang summary execution matapos na matagpuan sa isang ilog sa ilalim ng Sampaguita Bridge sa Barangay 175 sa Caloocan ang bangkay ng isang lalaki.

Hindi pa kilala ang biktima hanggang sa ngayon na nakasuot lamang ng shorts, green na t-shirt at nakabalot naman ng masking tape ang ulo nito.

Mayroon din mga tattoo sa katawan ang biktima na posibleng makatulong sa pagkakakilanlan sa kaniya.

Natagpuan ang bangkay ng isang concerned citizen na agad na ipinagbigay-alam ang insidente sa awtoridad.

- TeleRadyo 19 Mayo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.