Lalaking kasama sa drug watchlist ng barangay, patay sa pamamaril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking kasama sa drug watchlist ng barangay, patay sa pamamaril

Lalaking kasama sa drug watchlist ng barangay, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Naghihinagpis ngayon ang pamilya ng 30-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Malate, Maynila Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Abraham Damil, alyas Butchoy.

Sa CCTV ng barangay, makikitang dumaan si Damil sa Tuazon corner San Andres Street lulan ng bisikleta nang siya ay barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Sa imbestigasyon, tila inabangan na siya ng gunman na nakaupo na sa gilid ng kalsada bago pa dumating ang biktima.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ni Barangay Kagawan Victor Del Rosario ng Barangay 739 na residente doon ang biktima.

Posible umanong may kinalaman sa droga ang pamamarll at ayon din sa report ng Malate police, kasama sa barangay drug watchlist ang biktima dahil sa kaniyang pagtutulak umano ng droga.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, may tumawag na kay Damil para balaan siyang huwag nang lumabas ng bahay.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na miyembro ng Commando Gang ang biktima.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 at inaalam pa ang pagkakakilanlan sa gunman na nakaitim na jacket at oulang sombrero.

- TeleRadyo 6 Mayo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.