ALAMIN: Epekto ng El Nino sa mga palaisdaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Epekto ng El Nino sa mga palaisdaan

ABS-CBN News
Published May 04, 2023 10:49 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Itinaas na ng PAGASA ang El Nino alert sa bansa matapos nilang makita na posibleng madama na ang epekto nito sa bansa sa mga susunod na buwan.

Inaasahan ring tatagal ang El Nino sa bansa hanggang unang bahagi ng 2024.

Pero ano nga ba ang epekto ng El Nino sa mga palaisdaan, kabilang na ang lamang-dagat at iba pang pagkaing nakukuha sa tubig?

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) chief information officer Nazario Briguera na iba ang epekto ng El Nino sa iba-ibang bahagi ng bansa.

“Yung positibong epekto sa marine fisheries kasi kapag nagkakaroon po ng El Nino, tumataas yung production natin ng sardinas, ng galunggong, at iba pang pelagic species kasi favorable sa kanila yung warm temperature ng tubig,” aniya.

Pero ayon kay Briguera, may masamang epekto ang El Nino sa mga palaisdaan.

“Nangyayari po ito kasi bumababa po yung level ng tubig doon sa ating mga palaisdaan dahil nga tagtuyot, at kapag mababa po ang level ng tubig doon sa ating mga palaisdaan, possible pong bumaba yung ating salt oxygen level sa mga palaisdaan,” paliwanag niya.

“Ito ang magiging dahilan kung bakit possible tayong magkaroon ng pagkamatay ng mga isda doon sa ating mga fish pond dito sa mga land-based natin,” aniya.

Ayon sa opisyal, ipinapayo nila sa mga may-ari ng palaisdaan na sundan ang mabuting aquaculture practices, gaya ng pagpapatibay ng mga dike, pagpapalalim ng mga fish pond mula 1 meter hanggang 1.5 meters, at proper stocking density ng mga isda.

“Hinihikayat din natin yung paggamit ng water recirculating system,” aniya.

“In fact, ang direksyon ngayon ng ahensya para po matugunan din, halimbawa, kung ano man ang epekto ng sa produksyon, magfo-focus po tayo doon sa mga sea-based aquaculture system, doon po sa mga fish cages sa ating mga dagat na hindi masyadong maapektuhan sa pagbaba ng lebel ng tubig,” paliwanag niya.

Pero diin naman ni Briguela, nakahanda ang pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga palaidaang maapektuhan ng El Nino.

“Nandyan po ang aming fingerling distribution program na kung sakali ay yun nga, maapektuhan ang ating mga fish farmers lalo na yung ting mga small-sclae fish farmers, ay nakahanda po ang ating BFAR sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.”

--TeleRadyo, 4 May 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT