P14 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes nasabat sa Zamboanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P14 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes nasabat sa Zamboanga

ABS-CBN News
Published May 04, 2022 07:35 AM PHT
|
Updated May 04, 2022 08:23 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Hinarang ng mg awtoridad ang isang 10-wheeler truck na may kargang 400 kahon ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City.

Ayon sa PNP nitong Martes, nasa P14 milyon ang halaga ng kontrabando na nakumpiska sa MCLL Highway sa Barangay Culianan. Idadaan umano sa Zamboanga patungo sa Visayas ang mga smuggled na sigarilyo.

Wala umanong naipakitang dokumento ang driver at pahinante ng truck, na sinabing “goods” lang ang kanilang ide-deliver.

Nai-turnover na umano sa Bureau of Customs ang kontrabando.
Nai-turnover na umano sa Bureau of Customs ang kontrabando.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Major Shella Chang, public information officer ng PRO-9, mahirap daw masakote ang mga smuggler sa Zamboanga dahil papalit- palit umano ng paraan kung paano maibiyahe ang mga smuggled goods.

May pagkakataon pa raw na kapag namonitor na ng mga smuggler na malapit na silang masakote ng awtoridad ay inaabandona na nila ang kanilang sasakyan. – Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News