PatrolPH

P680K halaga ng shabu nakumpiska sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 10:05 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 3 katao sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Cruz Police sa Barangay 327 sa Maynila Huwebes. 

Nagbenta umano ng halagang P500 ng hiihinalang shabu ang target na si alyas Atong. Arestado rin ang dalawa niyang kasamahan na kapwa nakuhanan ng mga pakete ng hinihinalang shabu

Aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu ang kumpiskado sa grupo na nasa P680,000 ang halaga.

Ayon sa mga pulis, miyembro ng Commando Gang ang target ng operasyon at dumarayo sila sa iba’t ibang mga lugar sa Maynila para magtulak ng ilegal na droga.

Pare-pareho silang kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

- TeleRadyo 29 Abril 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.