Mga ilegal na shuttle service, pinaghuhuli ng I-ACT sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga ilegal na shuttle service, pinaghuhuli ng I-ACT sa Batangas

Mga ilegal na shuttle service, pinaghuhuli ng I-ACT sa Batangas

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Hindi bababa sa 16 shuttle vans ang hinuli at pina-impound ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa kanilang anti-colorum operations sa Batangas.

Nagtungo ang i-ACT sa Sto. Tomas Exit ng SLEX at Star Tollway kasama ang LTFRB, Coast Guard at Highway Patrol Group. Sa labas pa lang ng toll gate ay pinatigil at ininspeksiyon ang mga private van para sa requirement ng LTFRB sa mga shuttle service.

Ayon sa I-ACT galing Tanauan ang karamihan sa mga nahuling shuttle at bibiyahe pa-Laguna o sa Sto. Tomas.

Pangalawang beses na umanong tinungo ng i-ACT ang naturang lugar at pinaniniwalaan nilang marami pang shuttle service ang bumibiyahe nang kulang sa requirements. Kailangang kumpletong hawak ng driver ng shuttle ang kanilang contract of lease, passenger accident insurance, valid ID ng driver at may body markings ang van.

ADVERTISEMENT

Magmumulta ng P200,000 ang may-ari ng van para mabawi ang sasakyan sa impounding area sa Pampanga.

- TeleRadyo 29 Abril 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.