Lalaki, binaril sa mukha sa port area | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, binaril sa mukha sa port area

Lalaki, binaril sa mukha sa port area

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang hindi pa kilalang lalaki ang binaril sa mukha ng isa umanong notorious killer sa Abante Compound, Port Area, Manila, madaling araw ng Biyernes.

Isang tama ng baril sa mukha ang ikinamatay ng biktima.

Ayon sa mga tanod ng barangay, walang pagkakakilanlan ang biktima dahil hindi ito taga-roon.

Samantala, isang testigo umano ang lumapit at itinurong bumaril ang nagngangalang si Singkitty Musa na isa umanong notoryus na pumapatay sa Port Area at sa Baseco pero hindi nahuhuli dahil takot ang mga kaanak ng biktima na magsampa ng reklamo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PCP Baseco Compound, Manila S/Insp. Randy Veran, tinutugis na ang suspek na kilala ring tulak ng droga bukod sa pagpatay.

''Nahuli siya noong nakaraang taon sa drugs ng Station 5 pero nakapagpiyansa,'' ani Veran.

Dinala na sa punerarya ang mga labi ng biktima na naka-asul na sando at itim na shorts, at nasa 19-23 anyos.

April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.