WW2 grenade natagpuan sa loob ng unibersidad sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
WW2 grenade natagpuan sa loob ng unibersidad sa Maynila

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Apr 26, 2023 09:48 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Isang World War 2 grenade ang narekober sa construction site sa loob ng isang unibersidad sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.

Ayon sa security commander, nakita ng backhoe operator ang nasabing bomba habang naghuhukay ang mga trabahador sa loob ng university compound.

Nirespondehan ito kaagad ng mga operatiba ng District Explosive Canine Unit ng Maynila at saka nagsagawa ng visual inspection at threat assessment sa lugar.

Sa imbestigasyon ng DECU, napag-alaman na ito ay isang M9 A1 anti-tank rifle grenade na binabala sa isang grenade launcher noong World War 2.

ADVERTISEMENT
Tinuturing pa ring mapanganib ang mga ganitong bomba kahit ilang dekada na ang lumipas.

Hindi naman sinuspinde ang klase sa unibersidad dahil malayo ito sa ibang gusali na may mga estudyante.

Samantala, nasa kustodiya na ng DECU ang granda para sa maayos na disposisyon.