PatrolPH

Mga drayber 10 oras bumibiyahe para kumita ng P700

Izzy Lee, ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2022 06:31 AM

Watch more News on iWantTFC

Doble kayod pa rin ngayon ang karamihan sa mga jeepney driver at patuloy na umaaray dahil sa walang katapusang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. 

Naabutan ng ABS-CBN News team ang ilan sa kanila na pagarahe pa lang kahit hatinggabi na.

Kung noon kasi ay 7 oras lang silang namamasada ay may naiuuwi nang kita, ngayon kahit 10 oras na ang pagbiyahe, kakarampot pa rin ang kanilang kita. 

Kung hindi raw nila ito gagawin ay tiyak na wala silang maiuuwing pantustos sa gastos ng pamilya lalo na umano ngayong matumal ang biyahe, dahil walang pasok ang mga estudyante at may mga libreng sakay pa ang gobyerno. 

Inaasahan muli ang dagdag-presyo sa petrolyo bukas. 

ABS-CBN News, April 25, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.