ALAMIN: Ano ang dapat gawin kapag nawala ang papel na lisensya?

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2023 04:17 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Dismayado ang ilang drayber at motorista sa bagong patakaran ng Land Transportation Office (LTO) na mag-print ng mga lisensya o driver’s license sa papel imbis na sa mga plastic card.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), posibleng sa Hulyo unti-unti nang makapag-deliver ng driver's license card.

Pero ano nga ba ang maaaring gawin ng mga motorista sakaling mawala o masira ang kanilang papel na lisensya?

Ayon sa pinuno ng LTO na si Assistant Secretary Jay Art Tugade, maaaring ipa-laminate ang papel na lisensya.

Aniya, ang importanteng gawin ay makuhanan ng litrato ang QR code na kasama ng lisensya.

“Meron pong naka-assign doon na unique QR code. So doon po sa mga kababayan natin wag po silang mag-alaala, pwede naman po nilang picture-an yon, yung papel na yun, tapos itago po nila sa phone nila,” aniya.

“Ang importante po yung QR code ma-save niila, dahil in the event na ma-apprehend sila, yung QR code po nay un, yun po yung isa-scan ng traffic enforcer,” paliwanag niya.

Para sa mga makakawala ng kanilang papel na lisensya, maaaring pumunta sa LTO website para marekober ang kanilang mga detalye, dagdag ni Tugade.

— TeleRadyo, 24 Abril 2023