Lokal na pamahalaan ng Batanes, suportado ang Balikatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lokal na pamahalaan ng Batanes, suportado ang Balikatan

Lokal na pamahalaan ng Batanes, suportado ang Balikatan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Kasado na ang mga aktibidad ng Balikatan Exercises na gaganapin sa Batanes bago matapos ang Abril.

Sa panayam sa TeleRadyo ngayong Huwebes, sinabi ni Governor Marilou Cayco na suportado nila ang Balikatan lalo’t limitado lang naman ang mangyayaring pagsasanay sa kanilang lalawigan.

Logistics support lang aniya ang gagawin tulad ng pagbaba ng mga gamit at wala namang live fire exercises.

Ayon kay Cayco, makatutulong ang Balikatan sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga sundalo, lalo na sa pagtugon sa mga sakuna.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ng gobernadora na walang dapat ipangamba ang kaniyang mga kababayan sa Balikatan.

“Nangako naman sila na walang mga komunidad at hanapbuhay ang maaapektuhan. Nagkaroon kasi kami ng panic-buying dito dahil doon sa Balikatan. At ang ginawa ko, inimbita ko yung (Northern Luzon Command) para maipaliwanag sa amin ‘to, para hindi ho mangamba ang aming mga kababayan,” aniya.

Nagkaroon ng isang forum sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, iba’t ibang opisyal kabilang si Batanes Gov. Marilou Cayco, at iba pang stakeholders ng probinsya tungkol sa Balikatan Exercises noong Abril 17, 2023. Photo courtesy of the Provincial Government of Batanes Facebook page

“Nilinaw kasi namin sa kanila na ang naturang Balikatan ay walang kauganayan sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng China at Taiwan,” paliwanag pa niya.

--TeleRadyo, 20 April 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.