COVID-19 field hospital, itatayo sa Luneta | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 field hospital, itatayo sa Luneta

ABS-CBN News
Published Apr 20, 2021 09:45 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Sinimulan na ang pagpapatayo ng isang ospital sa Luneta, Maynila at ito ay tatawaging Manila COVID-19 Field Hospital.

Dumating na ang mga container vans na ico-convert o gagawin sa Burnham Green sa Rizal Park. Ito ang open space sa harap ng Quirino Grandstand noon sa mga malalaking pagtitipon gaya ng concert, rally at mga misa at ngayon ay isang medical facility ang gagawin dito.

Pumayag na ang Department of Tourism at National Parks and Development Committee sa panukala ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagtatayo ng ospital para makatulong rin umano ang tourism sector sa problema ng dumaraming kaso ng COVID-19.

Ang naturang ospital ay magkakaroon ng 336 bed capacity para sa mild and moderate cases para mabawasan ang mga pasyente ng mga ospital na punuan na sa ngayon.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Moreno, ito ay magiging isang full hospital at hindi lang magiging isang isolation facility. Kumpleto ang gamit sa naturang ospital at meron din medical quarters sa mga staff. Aayusin din ang sewerage system at electric system.

Scalable din umano ang disenyo - ibig sabihin maaaring mabigyan pa ng mga kama kung kinakailangan.

Inaasahang magbubukas ito matapos ang 2 buwan.

Magkakaroon din ng 24/7 construction para matapos agad ang ospital.

Ayon kay Dr. Arnold Pangan, direktor ng Manila City Health Department na magiging libre ito para sa mga mild at moderate cases na mga pasyente.

Sa tabi naman ng gagawing ospital ang COVID-19 drive through center

- TeleRadyo 20 Abril 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT