13 patay nang mahulog ang SUV sa kanal sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2021 07:34 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 13 katao, kabilang ang 3 bata, nang mahulog sa irrigation canal ang kanilang sinasakyang SUV sa Tabuk City, Kalinga nitong Sabado ng gabi.

Papunta umano ang sasakyan sa Bulo Lake, ayon sa pulisya.

Sumaklolo ang taumbayan sa 15 pasahero ng SUV ngunit 2 lamang ang nailigtas.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano nahulog ang SUV at kung bakit 15 ang sakay nito.

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.